Magpapatuloy sa Martes ang pagdinig ng Senate Blue Committee kaugnay sa kwestiyonableng paggasta ng pondo para sa COVID-19 ng Department of Health (DOH).
Sa interview ng RMN Manila kay Senator Risa Hontiveros, sisikapin nilang matapos bago ang paghain ng Certificate of Candidacy sa Oktubre upang makasumite ng ulat kaugnay sa kanilang mga natuklasang anumalya sa paggasta ng pondo.
Tiwala si Hontiveros na may mananagot sa pagbili ng mga overpriced medical equipment na binili mula sa kumpanyang Pharmally.
Iginiit naman ng senador na karapatan ng taumbayan na malaman kung saan napupunta ang pondong nagagamit ngayong panahon ng pandemya.
Facebook Comments