190,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine, dumating na sa bansa

58

Dumating na sa bansa noong Sabado ng gabi ang karagdagang 190,000 doses ng COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Dakong alas-11:00 ng gabi dumating ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 na lulan ang naturang bakuna.


Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga dumating na bakuna ay ang component number 2 na siyang nakalaan lamang sa second dose.

Nanghingi rin si Galvez ng pasensya dahil sa delay ng pagdating nito bunsod ng isyu sa suplay.

Umaasa si Galvez na wala nang delay sa pagdating ng bakuna ang mangyayari ulit sa mga darating pang bakuna.

Facebook Comments