Pagdiriwang ng Amun Jadid sa Maguindanao, mapayapa!

Nagpaabot ng kanya kanyang mensahe ng kapayapaan ang mga opisyales ng ibat ibang bayan sa lalawigan ng Maguindanao kasabay ng pagdiriwang ng Amun Jadid o Islamic New Year.

Kapwa naghahangad ng pangmatagalang kapayapaan at tuloy tuloy na kaunlaran ang mga ito para sa Bangsamoro Homeland ayon pa kay Maguindanao Vice Governor at kasalukuyang Alliance of Lumads , Iranun and Maguindanaon Chairman Datu Lester Sinsuat.

Mas higit aniyang magkaisa ang lahat ng mga taga Maguindanao para sa pagsulong ng lalawigan ang pahayag ni Vice Gov Sinsuat kasabay ng monthly meeting ng ALIM ngayong araw.


Kaugnay nito pinuri ni Vice Gov Sinsuat ang lahat ng mga local chief executives lalong lalo na ang mga bumubuo ng ALIM dahil sa mga inisyatiba sa kampanya kontra terorismo, illegal drugs at kriminalidad.

Samantala nauna naring nagpaabot ng kanyang pagbati sa lahat ng kanyang mga kababayan sa pagdiriwang ng Amun Jadid si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu.
Naging mapayapa rin ang pagsalubong ng Islamic New Year sa buong Maguindanao. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments