Cauayan City – Nagpapatuloy ang pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan sa lungsod ng Cauayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t-ibang aktibidad para sa mga kabataang Cauayeño.
Ngayong araw, nakatakdang maganap ang tatlong magkakaibang aktibidad na kinabibilangan ng Ultimate Inter-School Quiz Bee, Kabataang Cauayeños Got Talent, at Search for Top 10 Most Outstanding Kabataang Cauayeño Young SDG Heroes.
Layunin ng mga aktibidad na ito na maipamalas ng mga kabataang Cauayeño ang kanilang kahusayan sa iba’t-ibang larangan.
Samantala, bukas ika-30 ng Agosto ay magaganap ang isa sa pinaka-highlight ng aktibidad, ang paligsahan ng mga kabataang Cauayeño pagdating sa mga instrumento at musika sa Banda-Siklaban.
Patuloy na inaanyayahan ang lahat ng mga Cauayeño na dumalo at makisaya sa mga nalalabing aktibidad para sa selebrasyon ng Buwan ng Kabataan.