Nabulabog ng bomb scare ang pagdiriwang ng Feast of Immaculate Conception ngayong araw sa Manila Cathedral church sa Intramuros, Manila.
Ayon sa Manila Police District Explosives and Canine Unit (MPD-DECU), kaninang umaga nang mapansin ng guwardya ng Intramuros ang isang kahina-hinalang bag sa Plaza Roma sa harap mismo ng naturang simbahan.
Sa pag-iinspeksyon ng MPD-DECU team, nadiskubre na ang naiwang bag ay naglalaman lamang ng baunan, kutsara at tinidor at mga ID at larawan.
Kaugnay nito, todo-bantay ang MPD sa paligid ng simbahan dahil dagsa ang mga nagsisimba hanggang sa ngayon.
Tinatayang nasa higit 2,000 na ang dumating sa naturang simbahan para lumahok sa bawat misa magmula kaninang umaga.
Facebook Comments