Pagdiriwang ng ika-157 na anibesaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio sa San Juan City, sumentro laban sa COVID-19

Sinimulan ng isang Flag Raising Ceremony ang pagdiriwang ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang ika-157 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Ang naturang pagdiriwang ay ginawa sa Barangay Onse kung saan nakatayo ang bantayog ng Ama ng Himagsikang Pilipino.

Sa talumpati ni Mayor Francis Zamora, sinabi nito na ang pakikipaglaban ng San Juan kontra COVID-19 ay wala rin pinagkaiba sa pakikipaglaban ni Gat Andres Bonifacio sa mga dayuhang mananakop.


Aniya, ang pagdiriwang na ito ay inaalay niya sa lahat ng health workers at frontliners ng lungsod.

Kaya naman kanyang inanunsyo na magbibigay ang pamahalang lungsod ng San Juan ng tig-P3,000 sa mga health workers, pulis, mga kawi ng barangay, at iba pang mga frontliners bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at dedikasyon upang labanan ang COVID-19.

Sa ngayon, ang lungsod ay mayroon na lang 55 na bilang ng active cases ng COVID-19 at layunin nilang maging zero active cases sa bago matapos ang taong 2020.

Facebook Comments