Pagdiriwang ng ika-35 anibersaryo ng EDSA Revolution ngayong taon, naging tahimik pa rin

Umabot na ng tanghali ngayong araw pero wala pa ring grupo na nagsagawa ng programa kaugnay sa paggunita ng ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa bahagi ng EDSA.

Ayon kay Mandaluyong Police Chief PCol. Gauvin Unos, wala silang inaasahang magsasagawa ng programa sa tapat ng EDSA Shrine dahil wala namang humingi ng permit ukol dito.

Aniya, bantay-sarado ang makasaysayang lugar sa EDSA dahil madaling araw pa lang ay naka-deploy na ang 600 na mga pulis galing Eastern Police District.


Samantala, nagsagawa naman ng misa sa EDSA Shrine na dinaluhan ng mga religious at human rights group kaugnay sa nasabing pagdiriwang.

Giit ni Unos, patuloy na magbabantay ang kanilang mga pulis sa bahagi ng EDSA Ortigas at palibot ng EDSA Shrine hanggang mamayang hapon.

Ngayong araw, ginugunita ang ika-35 anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution kung saan dito nagtapos ng 20 taong pamumuno ng diktador na lider na si Ferdinand Marcos bilang dating Presidente ng bansa.

Facebook Comments