Inilunsad kahapon ng Archdiocese of Manila ang pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng Archdiocese ng kanilang ika-442 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang isang diocese.
Sa kaniyang homiliya, sinabi ni Apostlic Administrator Bishop Broderick Pabillo na dapat lumabas sa kanilang “comfort zone” ang mga Kristiyano upang maibahagi ang kanilang pananampalataya.
Samantala, dumalo sa ginanap na misa ang iba’t ibang opisyal ng mga lungsod na sakop ng Archdiocese.
Facebook Comments