Pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno, maituturing na superspreader event, ayon sa isang OCTA Research Team; Pagtaas ng COVID-19 cases ng bansa matapos ang Traslacion 2021, ibinabala rin ng isang eksperto

Maituturing na superspreader event ang pagdiriwang ng kapistahan ng Itim ng Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Ito ay pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA Research Team at sinabi nito na bagama’t walang naganap na prusisyon posibleng magkaroon pa rin ng hawaan ng COVID-19 sa ginanap na aktibidad.

Aniya, bagama’t walang ginawang projection ang OCTA Research Team kaugnay sa posibleng bilang ng COVID-19 cases pagkatapos ng pista ng Itim ng Nazareno.


Ayon pa kay David, maaaring gawin batayan dito ang datos ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa mahigit 400,000 ang dumalo sa naturang pista.

Samantala, nagbigay din ng babala ang isang eksperto sa publiko sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 matapos ang pista ng Itim na Nazareno dahil sa bugso ng debotong dumalo rito.

Sa Twitter post ni dating COVID-19 Task Force Adviser Dr. Tony Leachon, kahapon ang ikinatatakot niyang araw dahil sa posibleng pagsipa ng kaso ng nasabing sakit at posible rin umanong magresulta ito sa mas mahigpit na quarantine measure.

Facebook Comments