Pagdiriwang ng Kapistahan sa San Juan City ngayon taon, hindi naging magarbo

Kakaiba ngayong taon ang pagdiriwang ng kapistahan ng San Juan City.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, sinadya ito bilang pag-iingat ng lungsod laban sa banta ng Coronavirus Disease2019 (COVID-19).

Aniya, ayaw nilang masayang ang kanilang effort na ginawa kung saan isang linggo nang zero confirmed cases at zero death ang lungsod.


Ngayong taon, ibang-iba ito dahil halos walang tao ang ilang lansangan ng lungsod, walang tao sa kanilang Plaza at sa harap ng City Hall na nag-aabang at sumasama sa prosesyon.

Pasado alas-8:00 ng umaga, nagsagawa ng pagbasbas si Rev. Monsenior Vicente Bauzon kasama si Mayor Zamora at ang kanyang mga Konsehal.

Sa halip na prosesyon, sinundan ito ng motorcade kasama ang kanilang Santo ng Kapistahan na si St. John the Baptist upang maiwasan na rin ang pagdagsa ng mga tao.

Pinagbawal din ang basaan ng tubig bilang bahagi ng Wattah Wattah Festival.

Facebook Comments