Pagdiriwang ng Mengal Festival 2020, Gagawing Online

Cauayan City, Isabela- Ipagdiriwang online ang Mengal Festival 2020 sa bayan ng Echague, Isabela na layong makapaghatid pa rin ng saya sa kabila ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Sisimulan sa October 29 hanggang 31 ang nasabing kapistahan na masasaksihan sa pamamagitan ng kanilang social media page (#MunicipalityofEchague).

Magtatagisan naman ng galing sa Quiz Bee ang mga lalahok at ang pagpapamalas ng pagkamalikhain at aliw sa MASKterpiece at Tiktok Challenge.


Bukod dito, mapapanood din ang ilang kompetisyon na lalahukan ng mga may natatanging talento sa pagkanta, pagsayaw at maging Battle of the Bands.

Ang salitang ‘Mengal’ ay nagrerepresenta ng isang matalinong mandirigma ng isang tribu kung saan nakikibaka para sa kalayaan.

‘YOGAD’ naman ang tribu na sumisimbolo sa katapangan ng isang mandirigma na karamihan sa mga residente sa naturang bayan.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Echague ang pagpapanatili sa pagsunod sa health protocol sa mga kalahok sa selebrasyon para makaiwas sa banta ng virus.

Facebook Comments