Nilimitahan sa isang gabi ang pagdaraos ng mga pista sa bawat barangay ng Malasiqui bilang bahagi ng ipinatutupad na energy conservation drive.
Sa direktibang inilabas ng lokal na pamahalaan, inatasan ang lahat ng barangay chairmen na paikliin ang selebrasyon at pansamantalang itigil ang iba pang community activities.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng hakbang na ito na magtipid sa paggamit ng enerhiya alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 ng Office of the President.
Kaugnay nito, ipatutupad ang naturang kautusan sa loob ng isang taon maliban kung ito ay bawiin.
Samantala, sa Lingayen, ipinatutupad na rin ang memorandum kung saan direktang iniuutos ang pansamantalang suspensyon sa pagdaraos ng mga malakihang pagtitipon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








