Pagdiriwang ng National Teacher’s Day, pangungunahan ni PBBM ngayong araw

Dalawang aktibidad ang pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong araw ng Huwebes.

Unang pupuntahan ni Pangulong Marcos ang “Lab for All” project bandang alas-10:00 ng umaga sa Rizal High School sa lungsod ng Pasig City.

Inaasahan dadalo sa event sina First Lady Liza Araneta-Marcos, Pasig City Mayor Vico Sotto, Cong. Roman Romulo at iba pang mga opisyal ng gobyerno.


Ang Lab for All caravan ay isang medical mission na inisyatiba ni FL Liza Marcos, kung saan sa bawat medical mission nay iniiwan na ng Unang Ginang ang mobile clinic sa LGU.

Bandang alas-2:00 naman mamayang hapon, dadalo si Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng National Teachers’ Day 2024-Together4Teachers na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ito’y kaugnay na rin ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day sa darating na October 5, Sabado, kung saan kilalanin ang husay at dedikasyon ng mga Pilipinong guro na pangunahing katuwang ng DepEd sa pagtataguyod ng dekalidad na edukasyon para sa mga mag-aaral.

Maging panauhin din sa event sina Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara, Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang government officials.

Facebook Comments