Pagdiriwang ng Pasko naging maayos at payapa ayon sa PNP; ahensya, tiniyak na nakaalerto hanggang sa Bagong Taon

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na naging maayos at payapa ang naging pagdiriwang ng Pasko sa bansa.

Ayon kay PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang naitalang insidente sa bisperas ng Pasko dahil na rin umano sa disiplina ng mamamayan at maagap na presensya ng kapulisan.

Kaugnay nito, tiniyak din ng PNP na nakaalerto ang buong hanay hanggang bagong taon kung saan patuloy ang heightened police visibilty at public safety operations sa buong holiday season.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Nartatez sa mga lider ng simbahan, local government units, force multipliers, at mga volunteer na katuwang ng PNP sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Ayon pa sa kanya, na mananatiling nakaalalay ang PNP sa publiko at nagiwan din sya ng simpleng mensahe na magdiwang ang lahat ng masaya at laging ligtas.

Kasabay nito, muling nanawagan ang PNP sa publiko, lalo na sa kabataan, na iwasan ang paggamit ng mga iligal na paputok at pumili ng mas ligtas at alternatibong paraan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Facebook Comments