Nanawagan ang Aid to the Church in Need Philippines (ACN) na huwag haluan ng pulitika ang paggunita ngayong araw sa Red Wednesday.
Ayon sa ACN, umaasa silang hindi magkakaroon misinterpretation o ng bahid pulitika ang pagsusuot ng pula ng mga magsisimba lalo na’t may mga kandidatong gumagamit din ng ganitong kulay.
Ang Red Wednesday ay taunang ginagawa ng Simbahang Katolika bilang pag-alala sa mga Kristiyanong nakakaranas ng pag-uusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Samantala, bilang pakikiisa rin ng mga simbahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay paiilawan ng kulay pula ang harapan ng mga parokya mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng gabi.
Facebook Comments