Pangulong Duterte, umaasang paglalaanan ng mga proyekto ng susunod na presidente ang Davao

399

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na pagtutuunan ng susunod na magiging presidente ang pagpapatayo ng mga imprastraktura sa Davao.

Sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng pangulo na hindi niya ito ipinrayoridad ngayong administrasyon batay na rin sa utos niya sa kanilang unang cabinet meeting.

Ayon sa pangulo, ito ang dahilan kung bakit nananatiling masikip at maliit ang Davao Airport kumpara sa mga paliparan ng ibang lalawigan at rehiyon.


Sa kabila nito, humingi ng pasensiya ang pangulo sa mga kababayan nito sa Davao.

Facebook Comments