Pagdiriwang ng Valentine’s day, hindi magiging problema ayon sa MMDA

46

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na hindi magiging problema ang pagdiriwang ng Valentine’s day sa susunod na buwan.

Aniya, mas kakaunti ang lalabas na tao sa araw ng mga puso dahil ito ay para sa mga couple o magsing-irog lamang.


Hindi aniya tulad ng Christmas o iba pang pagdiriwang na grupo o pamilya ang lumalabas ng bahay.

Pero iginiit pa rin ni Garcia na sumunod pa rin sa mga health protocols laban sa COVID-19 kung lalabas ng bahay upang hindi mahawa ng nasabing sakit.

Payo niya na dapat magdoble ingat habang hinihintay ang bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments