‘Bet Taker’ sa Cauayan City, Arestado sa Pagbebenta ng Droga

53

Cauayan City, Isabela- Tuluyang dinakip ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang ‘bet taker’ na lalaki dahil sa pagtutulak nito ng illegal na droga sa brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Pasado alas 2:00 kaninang madaling araw, Enero 27, 2021 nang arestuhin si Randy Reyes, 34 taong gulang, walang asawa na residente rin ng barangay San Fermin sa nasabing lungsod.


Una rito, nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga elemento ng PNP Cauayan sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO2 laban sa suspek na kung saan ay nagpositibo naman ito sa pagtutulak ng droga matapos mabentahan ang isang police poseur buyer ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu sa halagang Php1,000.

Nagresulta ito sa pagkakahuli ng suspek na kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang isang libong piso na buy bust money, isang (1) piraso ng P500 at P100; isang unit ng cellphone; ID at isang itim na shoulder bag.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang mga nakuhang item para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa laban sa suspek.




Facebook Comments