Pagdiriwang sa ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bukas (September 11), kasado na

Manila, Philippines – Preparado na para bukas ang ika-100 taong kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na gaganapin sa Libingan ng mga Bayani.

Magkakaroon ng pamisa, maikling programa at pananghalian para sa mga imbitadong bisita.

Mahigpit ding ipapatupad ang no invitation, no entry.


Kabilang sa mga hindi nakatanggap ng imbitasyon sina House Speaker Pantaleon Alvarez at MAKABAYAN Bloc.

Kabilang rin sa pinadalhan ng imbitasyon ay ang mga senador kung saan naghayag na ng hindi pagpunta si Senate President Koko Pimentel.

Marami ring mambabatas ang hindi makakadalo dahil pagdinig ng Kamara kaugnay sa panukalang national budget sa susunod na taon.

Una nang sinabi ng Malacañang na malabo ang pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng imbitasyon ng pamilya Marcos.

Facebook Comments