
Para kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, maituturing na tagumpay ng mga kababaihan ang pasya ng Commission on Elections (Comelec) 2nd division na ipadiskwalipika si Pasig City Congressional bet Atty. Christian Sia.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni Sia sa isang campaign rally na maaaring sumiping sa kaniya isang beses sa isang taon ang mga nalulungkot na single mother na may buwanang dalaw pa.
Ikinalugod ni Brosas na sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas ay mayroong kandidato na madidiskwalipika dahil sa mga aksyon o pahayag na laban sa mga kababaihan.
Nagpapasalamat si Brosas sa desisyon ng Comelec pabor sa solo mothers na siyang biktima ng kawalan ng respeto, nakakababa, bastos at mahalay na pahayag ni Sia.
Umaasa si Brosas na ito ay magsisilbing wake-up call sa larangan ng politika na ang anumang hakbang laban sa mga kababaihan ay hindi nararapat para sa public servants dahil ito ay mapanganib at kasuklam-suklam.









