Tinawag na camouflage at sarzuela o romcom ang pagdistansya ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng 2022 presidential election.
Ito ay sa harap ng pambabatikos ni Mayor Sara sa mismong partido ni Pangulong Duterte na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Ayon kay dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita, ipinapakita lang nito sa publiko na magkaiba ang mag-ama sa pamamahala ngunit ang katotohanan ay magkapreho lamang kaya hindi dapat malinlang ang publiko.
Aniya, ang lahat ng argumento sa bandang huli ay tutumpok din sa Duterte-Duterte.
Naniniwala rin si Sorita na ang nangyayari ngayon ay nais lamang na timplahin ng mga Duterte kung ano ang mas katanggap-tanggap na tandem.