Pagdoble ng kaso ng COVID-19 sa NCR kahapon, hindi dapat ikabahala ayon sa OCTA

Hindi pa nababahala ang OCTA Research Team sa naitalang pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila kahapon (January 31), kahit pumalo ito sa higit 4, 000 kumpara sa higit 2, 000 noong Linggo.

Sa Laging Handa public press briefing, ipinaliwanag ni Dr. Guido David na mayroon lamang backlog o lumang mga kaso na ito mula sa unang bahagi ng Enero.

Paliwanag nito, bumababa pa rin kasi ang positivity rate sa NCR na mula sa 20% ay nasa 17% na lamang.


Inaasahan pa rin aniya nila ang pababa nito sa mga susunod na araw.

Aniya, ang reproduction number at health care utilization rate sa rehiyon ay patuloy ring bumababa.

Bukod dito, nakikita rin sa datos ng LGUs ang pagbaba ng kanila kaso ng COVID-19.

Gayunpaman, aminado naman si Dr. David na hindi pa rin ito dapat na ipagsawalang bahala, kaya naman patuloy aniya nilang babantayan ang mga numero sa mga susunod na araw.

Facebook Comments