30 na kabahayan, natupok sa sunog na sumiklab sa Pasig City, Purok 4 Brgy. Pineda

Abot sa 30 kabahayan ang natupok, 70 na pamilya ang apektado sa sunog na sumiklab Purok 4 Brgy. Pineda, Pasig City.

Ayon kay Pasig Fire Marshal Supt. Aristotle BaƱaga, napabayaang niluluto ang sanhi ng sunog.

Hindi na kumalat pa sa mga katabing kabahayan ang sunog matapos na ideklarang fire out bandang 1:47 ng hapon.


Bandang 11:59 ng umaga nang itaas ang sunog sa ikalawang alarma.

Umabot sa 80-fire truck ang nagtulong-tulong upang apulahin ang sunog.

Masyadong makipot ang mga kalsada sa purok 4 kung kaya’t sa Banaag Street na lang pumwesto ang mga fire truck saka pinagdugtong-dugtong ang kanilang mga hose para bombahin ng tubig ang mga nasusunog na kabahayan.

Facebook Comments