Pagdura ng ‘Momma’ sa Pampublikong Lugar, Ipagbabawal na ng LGU Angadanan

126

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang ipagbawal sa buong Bayan ng Angadanan, Isabela ang pagdudura ng momma sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Vice Mayor Diosdado Siquian ng LGU Angadanan, sinuportahan ito ng legislative body ng nasabing bayan kaugnay sa panukala upang maiwasan ang pagdami ng mga taongf nagdudura basta basta sa mga lugar at upang mapanatili ang magandang imahe sa mga pangunahing lansangan sa lugar.


Dagdag pa ni Vice Mayor Siquian, ilan naman sa mga kakaharaping parusa ng lalabag dito ay community service at pagpapataw ng monetary fees na 50 pesos pero umalma ang ilang konsehal na itaas ang multa sa lalabag dito.

Sa ngayon ay inaasahang maisasabatas ang nasabing panukala bago pa man matapos ang taong 2019.

Facebook Comments