Paggalang sa karapatang pantao para bigyang saysay ang ipinaglaban ng ating mga bayani, iginiit ni Senator de Lima

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Leila de Lima ang paggalang sa karapatang pantao, pagmamalasakit sa dignidad ng Pilipino, at pagtataguyod ng isang makatao at makatarungang kinabukasan.

Mga paraan aniya ito para mabigyang saysay ang kalayaan para sa bayan na ipinaglaban ng ating mga bayani.

Kasabay nito ay iniisa isa din ni de Lima ang ilan sa mga menor de edad na nasawi kasabay ng gera kontra ilegal na droga ng administrasyong Duterte at kasama dyan si kian delos santos.


Paalala ni Senator de Lima, hindi nagbuwis ng buhay ang mga naunang Pilipino para mabawi ang kalayaan mula sa dayuhan, para lamang ngayon ay hayaan natin ang pagpatay ng libo-libong Pilipino.

Hindi rin aniya nag-alay ng buhay ang marami nating kababayan para ipagtanggol ang pambansang dangal kung ipamimigay lang din natin ang ating mga teritoryo.

Binigyang diin ni de Lima na hindi rin nagkaisa ang milyon-milyong Pilipino sa EDSA at humarap sa tiyak na peligro, para lang bumalik tayo sa rehimen ng marahas at malupit na diktadurya.

Facebook Comments