Mga kabataan, hinikayat ni Sen. Villanueva na tularan ang matatapang na hakbang ng ating mga bayani

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa mga kabataan na huwag matakot na tularan ang matatapang na hakbang ng ating mga bayani para ating makamit ang isang lipunan kung saan umiiral ang katarungan, kagalingan at kalayaan.

Para kay Villanueva, katangi tangi ang ginawang pakikipaglaban ng nating mga bayani para itaguyod ang kalayaan at kagandahan ng ating inang bayan.

Diin ni Villanueva, lahat tayo, kasama ang mga kabataan ay maaring maging bayani at magkaroon ng ambag sa nation-building.


Pinuri din ni Villanueva ang sakripisyo at katapangang ipinapamalas ngayon ng ating mga sundalo na lumalaban sa mga naghahasik ng karahasan at terorismo sa Marawi City.

Binanggit din ni Villanueva, ang mga Overseas Filipino Workers bilang mga tunay na bayani na walang pagod ng kumalayod para tumulong sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya.

Samantala, nagpahayag din ng pakikiisa sa pagpupugay at pagdiriwang ng araw ng bayani ngayon sina senators Cynthia Villar at Win Gatchalian.

Facebook Comments