Manila, Philippines – Ipagbabawal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbebenta at paggamit ng paputok.
Iginiit Pangulo na pahamak at peligro lamang ang idinudulot ng paputok sa publiko lalo na sa mga bata.
Naniniwala ang Pangulo na dapat ipinagdiriwang ang Bagong Taon ng tahimik at mapayapa.
Aniya, posibleng magkaroon ng gun attacks kasabay ng pagpapaputok.
Noong Hunyo 2017, pinirmahan ng Pangulo ang Executive Order no. 28 na nireregularisa at kinokontrol ang paggamit ng firecrackers at iba pang pyrotechnic devices.
Facebook Comments