Mahigpit na tinututukan ng Council for the Welfare of Children (CWC) ang paggamit ng Artificial Intelligence o AI sa child exploitation.
Ayon kay CWC Undersecretary Angelo Tapales, bagama’t wala pang naitatalang ganitong kaso ang Philippine National Police (PNP) sa Pilipinas, tinitiyak ng Inter-Agency Council na may batas ang bansa para labanan AI-generated child sexual abuse at exploitation.
Nabatid na talamak na sa ibang bansa tulad ng United Kingdom ang ganitong uri ng krimen kung kaya’t kailangan pa rin maging proactive ng pamahalaan upang maiwasan ang mga kriminal na makapambiktima ng mga batang Pilipino.
Babala ni Tapales, ginagamit sa krimen ang AI generation tool na available sa internet at ng mga image editing software na nakakagawa ng mga mahahalay na larawan ng mga bata.
Ang mga larawang ito ay ibinibenta aniya sa dark web at pinagkakakitaan.