Milyon pisong halaga ng imported na sigarilyo, nasabat ng BOC sa Zamboanga

Mahigit 27 milyong pisong halaga ng imported na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City.

Sa inilabas na ulat ng BOC-Port of Zamboanga, ang mga sigarilyo ay sakay ng motorboat NS FB JFM 2 na ininspeksyon ng Water Patrol Division ng ahensiya.

Kaugnay nito, siyam na tripulante ang inaresto matapos mabigong magpakita ng dokumento sa dala nilang kargamento.


Sinampahan na ng kaukulang reklamo ang siyam na tripulante na nakapiit sa Zamboanga City Police Station 11.

Nasa kustodiya naman na ng BOC ang nakumpiskang sasakyan pandagat at mga sakay nitong kontrabando.

Facebook Comments