Paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectic kontra COVID-19, hindi pa rin rekomendado ng DOH

Muling nagpaalala ang Department of Health sa publiko hinggil sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin laban sa COVID-19.

Giit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang ngayon ay hindi nila nirerekomenda ang paggamit ng nasabing gamot at wala pa matibay na ebidensya na nalalalaban nito ang virus.

Kung tutuusin, aniya, lumabas sa pag-aaral na ginawa ng US Food and Drug Administration na hindi nito napapaikli ang hospitalization period ng mga tinatamaan ng virus o napipigilan ang paglala ng kondisyon ng COVID-19 patients.


Sa halip, posibleng mas magdulot ito ng panganib dahil may ulat na ilang indibidwal ang nalason matapos uminom ng Ivermectin.

Paalala pa ng kalihim, mas mabuting ang mga gamot na aprupado at rekomendado ng DOH lamang ang inumin.

Facebook Comments