Nababahala ang ilang Information Technology (IT) experts sa paggamit ng StaySafe.ph.
Ang StaySafe.ph ay ang opisyal na Coronavirus Disease o COVID-19 contact tracing application na ginagamit ng gobyerno.
Ayon sa Data Protection Excellency Network, hindi tulad ng ibang contact tracing apps sa ASEAN countries, ang StaySafe ay ang tanging application na hindi direktang dinevelop ng local government.
Makikita umano sa website ng developer ng StaySafe na Multisys Technologies Corp., na walang published privacy policy kung saan maaaring ma-access nito ang mga personal information ng users.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ng Multisys Technologies Corp. na target nilang mai-enroll ang 50% ng populasyon ng bansa para sa maximum effectiveness ng plataporma.