Paggamit ng Beep Card sa mga Bus sa EDSA, ipinanukala

Ipinapanukala ni House Transportation Committee Chairperson, Samar Rep. Edgar mary Sarmiento ang paggamit ng Electronic (E-Card) o Beep Card System sa pampublikong transportasyon.

Ito’y ay bilang isa sa mga paraan para maresolba ang matinding trapiko sa EDSA.

Ayon kay Sarmiento, maliban sa pagpapatupad ng organisadong pagdi-dispatch ng mga bus, kailangan na rin aniyang ayusin ang fare collection system sa mga bus na bumabaybay ng EDSA.


Layunin nitong maging madali ang pangongolekta ng pamasahe.

Aniya, maaaring gamitin ang panukalang National ID bilang machine-readable electronic cards para ipatupad ito.

Iginiit din ni Sarmiento, na dapat ipatupad ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang Department Order 11-82 na nagmamandato sa Bus Companies na magbigay ng “fixed” at “performance-based” compensation para sa mga driver at konduktor upang matigil ang mga bus na makipag-agawan sa mga pasahero.

Nagsasagawa ng serye ng konsultasyon ang komite ni Sarmiento sa iba’t-ibang stakeholders para bumuo ng solid at viable na one-year road map para maresolba ang problema sa EDSA.

Facebook Comments