Inaprubahan ng Korte Suprema ang paggamit ng body camera ng law enforcers na magpapatupad ng warrant of arrest na ipalalabas ng mga korte.
Pero ayon sa korte, magpapalabas pa sila ng resolusyon na maglalaman ng actual guidelines kaugnay ng paggamit ng body camera sa pagsisilbi ng arrest warrants.
Posibleng konsultahin din ng korte ang law enforcement, kabilang na ang Philippine National Police (PNP).
Ang pagkonsidera ng Korte Suprema sa mungkahing paggamit ng body camera ay kasunod na rin ng madugong operasyon kamakailan sa CALABARZON, kung saan siyam na aktibista ang napatay sa pagsisilbi ng search warrant.
Facebook Comments