Nico Bolzico, reunited na sa anak nila ni Solenn Heussaff na si baby Thylane

Labis ang pagkasaya ng businessman na si Nico Bolzico matapos muling makasama ang anak nila ni Solenn Heussaff na si baby Thylane.

Sa Instagram post ni Nico, ini-upload nito ang larawan na may caption na ‘my heart is full again’ kung saan may video pa ng adorable reunion ng kaniyang anak.

Halos umabot naman ng isang oras ang paglalambing niya sa anak dahil sa labis niyang pagka-miss dito.


Si Nico ay bumiyahe papuntang Argentina para bisitahin ang kaniyang mga magulang, March 8 na siya lumipad pabalik ng Pilipinas.

Facebook Comments