Paggamit ng body cameras, muling iginiit sa PNP

Pinamamadali na ni Senator Panfilo Lacson ang proseso para makumpleto na at ganap nang magamit ang mga body cameras na inilaan para sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Giit ito ni Lacson sa harap ng umiinit na kontrobersiya sa isang anti-drug operations sa Laguna kung saan nadamay at napatay ang isang 16-taong gulang na binatilyo.

Ayon sa mga kaanak ng biktima ito ay sadyang pinatay habang ikinatuwiran naman ng mga pulis na ito ay nanlaban.


Kaugnay nito ay umaasa din si Lacson na sa pinakamaagang panahon ay maglalabas ng patakaran ang Korte Suprema sa paggamit ng body cameras.

Sabi ni Lacson, na dating hepe ng PNP, daan ito para mapatigil sa pagbabatuhan ng kamalian at pangangatuwiran ang mga operatiba at grupo o indibiduwal na target ng operasyon.

Diin pa ni Lacson, malaki ang maitutulong ng body cameras sa pangangalap ng ebidensiya at mapipigilan din sa pag-abuso ang mga alagad ng batas.

Facebook Comments