PAGGAMIT NG BOKASHI BALLS SA PAGPAPANATILI NG MAGANDANG KALIDAD NG TUBIG, ISINUSULONG SA LA UNION

Isinusulong sa La Union ang paggamit ng Bokashi Balls (kilala rin bilang Mabuhay Balls) bilang bahagi ng mga hakbangin upang mapanatili at maibalik ang magandang kalidad ng tubig sa mga anyong tubig sa lalawigan.
Ang Bokashi Balls ay binubuo ng mga organic materials, kabilang ang microorganism solution, na may kakayahang mag-alis ng mga toxin at harmful bacteria kapag hinulog sa mga katubigan.
Noong Abril, magkasunod na naghulog ng humigit-kumulang 300 Bokashi Balls ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Simminublan Falls at Anito Falls sa bayan ng Santol.
Layunin ng hakbang na ito na patuloy na mapangalagaan ang mga natural na yaman ng La Union, lalo na sa kabila ng patuloy na pag-usbong ng sektor ng turismo sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments