Nais paigtingin ang paggamit ng breath analyzers kasabay ng checkpoint ng kapulisan tuwing gabi sa La Union, upang maiwasan ang mga aksidente dahil sa pagmamaneho ng lasing.
Ito ay matapos ang malagim na sinapit ng isang pamilya sa bayan ng Bauang noong madaling araw ng January 11, nang mabangga ng isang pick up truck ang sinasakyang tricycle ng mga biktima dahil sa drayber na nakainom umano nang mangyari ang insidente.
Bukod pa rito, ilang kahalintulad na insidente ng drunk driving ang naitala sa iba’t-ibang panig ng lalawigan noong 2025.
Apela ng Sanggunian ang maagap na pagpapatupad ng mas mahigpit na pagbabantay sa mga gumagamit ng kakalsadahan partikular tuwing weekend upang maiwasan ang trahedya.
Facebook Comments










