Paggamit ng bubble wraps sa mga negosyo, hiniling na bawasan

Nanawagan si Makati City Rep. Luis Campos sa mga negosyante na bawasan ang paggamit ang bubble wraps.

Napuna ng kongresista na sa pagtaas ng online merchandise sa gitna ng pandemya, ay nagiging sanhi rin ito ng paglaki ng volume ng mga bagong plastic waste araw-araw bunsod ng malawakang paggamit ng bubble wraps.

Ngayon aniya, kapag bumili ka ng isang produkto sa online ay matatanggap mo ang item na bukod sa nakabalot na sa karton ay nababalutan pa ito sa loob ng plastic bubble wrap.


Ang problema naman aniya sa mga air-filled cushion o pambalot na ito ay hindi na pwedeng gamitin ulit at nakadaragdag lamang sa plastic wastes na napupunta sa ating mga katubigan.

Nakiusap si Campos, sa mga online shopping platforms na hilingin sa mga logistics partners na bawasan ang paggamit ng bubble wrap at ikunsidera ang alternatibo o ibang packaging materials n reusable o mas madaling i-recycle.

Ang mambabatas ay isa sa mga may-akda ng House Bill 9157 o tuluyang pag-ban sa single-use plastic.

Facebook Comments