Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala upang maging ganap na batas ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga bata na nakasakay sa mga sasakyan.
Nilagdaan ng Pangulo bilang batas ang Republic act number 1129 na naguutos na bigyan ng karampatang proteksyon ang mga bata sa loob ng sasakyan sa pamamagitan ng child restraint system
Batay sa batas dapat ay angkop sa edad ng bata ang gagamiting child restrain system habang inaatasan naman ng batas ang department of transportation na gumawa ng mga panuntunan upang matiyak ang kaligtasan ng mga sumasakay sa pampublikong sasakyan na mga may dalang bata.
Inatasan din naman nito ang department of trade and industry na maglabas ng mga standards base sa nakatakda sa United Nations Regulations na klase ng mga kagamitan para matiyak ang kaligtasan ng mga bata.
Kapag naman lumabag sa batas ay pagmumultahin ang driver ng 1 libong piso para sa fist offense, 2 libong piso sa 2nd offense at 5 libong piso sa ikatlong opensa at maaari pang masuspinde ang drivers license ng isang taon.