Paggamit ng Cellphone ng mga Kawani ng LGU Gamu sa Oras ng Trabaho, Posibleng Ikasibak sa Serbisyo

*Cauayan City, Isabela*- Posibleng masibak sa serbisyo ang isang kawani o opisyal ng lokal na pamahalaan dahil sa paggamit ng cellphone sa oras ng trabaho sa opisina batay sa ipinalabas na kautusan ng alkalde ng Gamu, Isabela.

Ayon sa nakasaad sa Memorandum, sinabi si Mayor Nestor Uy na nararapat lamang bigyang pansin ng mga kawani at opisyal ang kanilang trabaho at iwasang gumamit ng gadgets sa oras ng trabaho at iwasan ang paglalaro ng mobile games hangga’t maaari upang hindi maantala ang mga nakapila nilang gawain.

Hinikayat din ni Mayor Uy ang publiko na kaagad isumbong ang mga lumalabag sa kanyang kautusan sa kanyang tangga­pan maging sa Human Resources Management Office ng pamahalaang lokal ng Gamu.


Sakaling mapatunayang lumabag sa kautusan, ang sinumang kawani o opisyal ay maaaring mapatawan ng anim na buwan hanggang 1 taon na suspension para sa unang paglabag habang pagkasibak sa serbisyo ang ikalawang paglabag.

Facebook Comments