Iginiit ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na maipagbawal ang paggamit ng “cellular phones” at katulad na digital devices sa panahon ng klase ng mga estudyante.
Ang mungkahi ni Salceda ay nakapaloob sa inihain niyang House Bill 662 o panukalang “No Cellphone during Classes Bill”.
Saklaw ng panukala ni Salceda ang lahat ng pribado at pampublikong kindergarten, elementary, secondary at tertiary education institutions.
Ayon sa panukala, papayagan lang ang paggamit sa eskwelahan ng cellphone at kahalintulad na gadget kung may emergency situation o sa mga programa sa pagtuturo na kailangan ito.
Inaatasan ng panukala ang mga paaralan na magkaroon ng “device depository office” kung saan itatabi pansalamantala ng mga estudyante ang kani-kanilang cellphones at gadgets, pagpasok nila sa paaralan.