Manila, Philippines – Bawal na ang paggamit ng cellphone sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City.
Ito’y matapos na lumusot ang resolusyon ni konsehal Julienne Alysin Rae Medalla.
Layon nito na maipaalala sa pamunuan ng mga eskwelahan at maging sa mga magulang na madisiplina ang mga estudyante sa responsableng paggamit ng mobile phones.
Ayon sa konsehal, nakakaabala sa pag-aaral ng mga estudyante ang paggamit ng cellphone habang nagka-klase.
Matatandaang taong 2003 nang ipasa ng Department of Education ang isang resolusyon na nag-uutos sa mga pinuno ng lahat ng public elementary at high schools na ipagbawal ang paggamit ng celfon ng mga mag aaral sa gitna ng klase.
Facebook Comments