Paggamit ng contact tracing app sa Muntinlupa City, obligado na ayon sa LGU

Pinasimulan na ngayong buwan ng Enero ang mandatory na paggamit ng contact tracing app na StaySafe.PH sa Muntinlupa City.

Layon nito na gamitin sa pagpasok sa lahat ng establisamiyento sa lungsod.

Sa abiso ng LGU, may mga hakbang lamang na dapat sundin upang makapagrehistro at makakuha ng QR code.


Alinsunod sa ipinasang ordinansa, kailangang lang na i-download ang app at magrehistro dito para magkaroon ng sariling QR code na pwedeng i-save sa smartphone o i-print para ipakita pagpasok.

Ipinagbabawal din ang pagpapagamit ng QR code sa ibang tao.

Para sa mga walang internet connection o handheld device, maaaring magpatulong sa mga barangay para makakuha ng QR code.

Hindi lang mga residente ng Muntinlupa ang obligadong gumamit nito kundi pati mga nagtatrabaho at bumibisita sa mga establisyimento.

Babala naman ng City Government, pagmumultahin ang mga establisamiyento ng P2,000 hanggang P5,000 at suspensyon ng kanilang business permit kapag hindi sumunod sa kautusan.

Facebook Comments