Pinag-aaralan pa ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) ang panukalang gamitin na rin ang Pfizer COVID-19 vaccines12 sa mga kabataang Pinoy.
Ito ay matapos aprubahan ng US Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Pfizer vaccine sa mga edad 12-15 taong gulang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang desisyon hinggil dito ang iNITAG dahil prayoridad na mabakunahan at matapos ang mga nasa category A1 hanggang A3 priority group.
Una nang sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., na kasama sa vaccination plan ng pamahalaan na maisama ang mga kabataan para mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19 sakaling payagan na muli ang face-to-face classes.
Facebook Comments