Mga bakunado sa Quezon City, umabot na sa 211,831

34

Umakyat na sa 280,000 residente sa Quezon City ang nabakunahan na ng kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, 211,831 ang naturukan na ng first dose ng bakuna habang 68,175 ang naturukan ng second dose.


Aniya, paubos na ang suplay ng bakuna na para sa mga residente na sumailalim sa mga online assisted booking.

Gayunman, nakatabi na ang mga bakuna para sa mga may appointment sa online booking.

Sa Lunes ay nakatakdang magpabakuna si Belmonte sa isang vaccination center sa lungsod.

Facebook Comments