Paggamit ng drone ng US at pananakot na bobombahin ang Lumad Schools, fake news ayon sa AFP

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng Department of National Defense ang napabalitang paggamit ng drone ng Estados Unidos para bombahin ang mga ISIS inspired group sa Marawi.

Sa budget hearing ng DND sa Kamara, sinabi ni DND Sec. Delfin Lorenzana na nagtanong siya sa US embassy kaugnay sa balitang paggamit ng drone ng Amerika sa bansa pero wala namang ideya ang embahada tungkol dito.

Pinaberipika aniya ng US embassy sa Pentagon ang balita at itinatanggi ito ng Pentagon.


Giit ni Lorenzana, fake news ang kumalat na balita at walang dapat na ikapangamba ang publiko dito.

Hindi aniya basta na lamang gagamit ng drone ang US ng walang approval ng national government.

Itinatanggi din ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año ang alegasyon ng mga militante na panghaharass ng militar sa mga lumad schools.

Ayon kay Año, pumupunta lamang ang mga sundalo sa mga komunidad na may lumad school kung may presensiya ng npa at base ito sa request ng community leaders.

Ang DND ay may 195.4 billion pesos na budget para sa susunod na taon.

Facebook Comments