Ito ay upang makagamit ng libre ang mga estudyante gamit ang bisikleta kaya’t puspusan naman ang gagawing pagsasaayos ng sistema sa pagpapagamit nito.
Dagdag gastusin rin kasi para sa ilang mag-aaral ang pagsakay sa tricycle patungo sa kani-kanilang mga silid-aralan.
Ilang minuto rin ang gugugulin ng mga mag-aaral mula sa main gate ng unibersidad kaya’t inisyatibo ng pamunuan na magkaroon ng eco-friendly transportation.
Aabot naman sa 100 bisikleta ang binili ng unibersidad na siyang gagamitin ng mga estudyante.
Sa pamamagitan nito, makakatulong rin ito na makamit ng paaralan ang pagiging climate-friendly transportation.
Ayon kay Dr. Ricmar Aquino, ang Presidente ng ISU, isa sa kanilang gagawin ang maglagay ng Bike station sa main gate ng unibersidad at sa iba pang lugar sa loob ng campus.
Pinag-aaralan na rin ng pamunuan na maglagay rin ng eco-friendly transportation sa iba pang mga campus ng unibersidad.