Paggamit ng educational platform sa pagbibigay ng class project at homework, iginiit ng DepEd sa mga guro

Pinaalalahanan ng Department Of Education ang mga guro na gamitin lang ang mga official educational platform sa pagbibigay ng class project at homework sa eskwelahan.

 

Ang hakbang na ito DepEd ay kasunod ng paglabas ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ng memorandum circular para matigil na ang paggamit ng social media sa pagbibigay ng class project at assignment.

 

Sa interview ng RMN Manila kay DepEd Spokesperson Usec. Annalyn Sevilla, aminado siyang mali ang paggamit ng social media ng mga guro para doon sabihin sa mga estudyante ang mga nakatakdang gawain at announcement.


 

Ayon kay Sevilla, lantad kasi sa panganib at walang proteksyon ang mga estudyante sa social media.

 

Kaya naman, kung hindi maiiwasan lalo na’t kailangang sumabay ng mga guro at estudyante sa teknolohiya, mas mainam gamitin ang tamang platform.

 

 

Nabatid na isasapinal ng DICT ang polisiya sa paggamit ng social media sa mga paaralan sa taong ito.

Facebook Comments