Ipinatitigil na rin ni ACT-CIS Partylist Representative Jocelyn Tulfo ang ‘impractical’ na paggamit ng face shield na sinasabing proteksyon laban sa COVID-19.
Giit ni Tulfo, wala siyang makitang ‘sense’ sa paggamit ng face shield lalo pa’t wala namang matibay na ebidensyang makapagpapatunay na epektibo ang pagsusuot ng mga tao ng face shield para makaiwas sa pagkahawa ng virus.
Sinang-ayunan ng kongresista ang tweet ng medical anthropologist na si Dr. Gideon Lasco.
Sinabi pa ni Tulfo na face mask lang ay sapat na, naging matagumpay umano ang pandemic response ng ibang mga bansa dahil sa targeted mass testing, epektibong contact tracing, at early border restrictions.
Punto pa ng kongresista, sumusunod lamang ang mga Pilipino sa pagsusuot ng face shields para hindi masita ng mga gwardya, tanod o pulis.
Bukod dito, dagdag gastos lamang ito sa taumbayan at madalas ang mga face shield na gawa sa malalambot na plastic ay dumagdag lamang sa basurahan.