Paggamit ng face shield sa 3Cs areas, irerekomenda ng DOH sa LGUs

Irerekomenda na rin ng Department of Health (DOH) sa Local Government Units (LGUs) at pribadong establisyemento ang paggamit pa rin ng face shield sa 3Cs areas.

Ito ay ang close, crowded at close contact na mga lugar.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, magsisilbi pa rin itong dagdag proteksiyon sa publiko kahit hindi na voluntary ang pagsusuot ng face shield.


Samantala, hindi naman nakikita ng OCTA Research group na makakaapekto ng malaki sa sitwasyon ng bansa ang bagong panuntunan sa pagsusuot nito.

Paliwanag kasi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, angkop lamang ito kung may surge ng kaso na nakakadagdag sa proteksiyon.

Pero dahil mababa na ang kaso ng COVID-19 ngayon, hindi na magiging malaki ang tulong ng pagsusuot ng face shield.

Matatandaang kahapon, una nang inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong luwagan na ang paggamit ng face shield sa bansa.

Voluntary na lamang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1, 2, at 3… mandatoryo sa Alert Level 5 at nasa ilalim ng granular lockdown at nakapende naman sa mga LGUs na nasa ilalim ng Alert Level 4.

Facebook Comments